Nakatakdang ilatag ng Gemmalyn Crosby Sports Festival (GCSF) ang pagdaraos ng ikatlong Philippine Fitness & Wellness Expo sa Setyembre 3, sa SMX Convention Center.
Umabot sa 2,000 ang lumahok sa ginanap na Sports festival noong 2015.
“This is going to be better than the past two years combined. It is the most exciting fitness and wellness even for the whole family,” pahayag ni celebrity athlete Gemmalyn Crosby, founder ng GCSF at bodybuilder superstar sa USA.
Tampok sa multi-sport event ang paglulunsad sa mga makabagong pamamaraan sa fitness, sports at kagalingan sa industriya. Inaasahang dadagsa ang mga atleta , sports enthusiast at celebrity guest mula sa buong bansa para makilahok at pasinayaan ang kaganapan.
Ang GCSF ay nakipagtambalan kina boxing champion Gerry Peñalosa, Ms. Regine Tolentino, ang Philippine Karatedo League, ang Philippine Table Tennis Federation, at Filipino Martial Arts & Arnis Championships para dalhin ang Bodybuilding Championships, Karatedo Championships, Arnis Best of the Best of the Philippines, Filipino Martial Arts, Table Tennis Games and Exhibitions, Yoga Classes, Boxing, at Zumba.
“I believe in Gemmalyn’s advocacy and passion. I support her fully and I know she inspires and motivates many in the sports industry,” pahayag ni Peñalosa, dating junior bantamweight champion.
Si Crosby ay isang IFBB professional athlete at negosyante. Mayroon siyang Advanced Personal Training Certification, certified sports nutrition specialist, fitness model, book author, actress, Muay Thai at Kick Boxing instructor, at Mixed Martial Artist.
“One of my many passions in life is to promote fitness and wellness in my hometown, the Philippines,” sambit ng Florida-based na si Crosby, kasalukuyang nag-aaral ng Master’s degree sa Nutrition.
Ang tiket ay makukuha na ngayon sa SM Tickets (www.smtickets.com). Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lang ang website sa www.philippinefitnessexpo.com o tumawag sa 09226882982. Ang GCSF’s Instagram at @philippinefitnessexpo at sa Facebook page PhilippineFitnessandWellnessExpo.