SEPULVEDA, Spain (AP) – Daan-daang katao ang nakiisa sa mga pamilya, kaibigan at mga miyembro ng bullfighting world ng Spain para sa funeral mass nitong Lunes ng bullfighter na si Victor Barrio na napatay ng toro sa bullring noong nakalipas na weekend.

Nagpalakpakan at sumigaw ang mga tao ng “torero, torero” habang dinadala ang kabaong patungo sa San Bartolome church sa central town ng Sepulveda kung saan nakatira si Barrio.

Namatay ang 29-anyos na matador matapos masuwag sa hita at dibdib sa central city ng Teruel noong Sabado. Nakunan nang live sa telebisyon ang panunuwag at ang balita ng kanyang pagkamatay ay ikinalungkot ng buong Spain.

Si Barrio ang unang professional matador na namatay sa bullfight sa Spain simula nang masuwag at mapatay ng isang toro ang 21-anyos na French na si Jose Cubero Yiyo noong 1985 sa Madrid

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina