BAGAMAT dalubhasa na siya sa art of tweeting sa kanyang tablet, gusto pa rin ni Queen Elizabeth na isalin ang kanyang mga naiisip sa pamamagitan ng pagsusulat sa papel.

Kaya nang bumisita ang Queen sa isang mamahaling silversmith sa Scotland nitong nakaraang linggo, alam na nila kung ano ang ibibigay sa kanya— espesyal na lalagyan ng kanyang minamahal na sticky notes.

Habang naglalakad ang Queen at kanyang asawa na si Prince Philip sa buong showroom at workshop ng Edinburgh-based Hamilton and Inches, inabutan siya ng isang hand-crafted sterling silver Post-it note holder. 

“A little birdie told us that this may come in quite handy. It’s a Post-it note holder for your desk,” pahayag ni Stephen Paterson, chief executive ng kumpanya, sa royal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakausuot ang Queen ng kapansin-pansin na royal blue suit na may kapares na sumbrero, sagot niya, “Oh, that’s very kind. (It’s) very useful.” 

Kinumpirma ng source sa People na madalas gumamit ang Queen ng Post-it notes, pero sa kapag nagdududa, pagbibiro ni Philip sa kanyang asawa, “It’s for those sticky things.” 

Ang kumpanya, na nagdiriwang ng ika-150 anibersaryo noong nakaraang linggo, ay gumawa ng Royal Warrant para sa loob ng 120 years – na nangangahulugan na sila ang supplier sa royal household) at ang mga Silversmiths at Clock Specialists ng queen.

Bilang pagdiriwang at para sa 90th birthday ng queen kamakailan, gumawa rin sila ng Echanted Pool Bowl, na dinisenyuhan ng pearls mula sa River Tay. Kinakatawan nito ang “tranquil pool” sa dagat, at sa paggawa nito, ipinagdiriwang din ang kanyang pagmamahal sa Scotland na may taglay na natural na ganda at kamangha-manghang kapaligiran. May nakaimprenta rin na mensahe na, ““Thank you for 90 Enchanting Years.” 

Nakatanggap din siya ng isang Bulrush Kilt Pin, na may parehong disenyo sa sterling silver at may kakaibang Scottish river pearl.

Sinabi ni Paterson pagkatapos, “It was a privilege to celebrate our relationship and shared appreciation of craftsmanship with the royal party.” (People.com)