SAINT-DENIS, France (AP) — Walang Ronaldo para sa krusyal na sandali ng laban. Ngunit, nakaguhit sa tadhana ang pagiging bayani ni Eder – isang substitute – para ibigay sa Portugal ang kampeonato ng European Championship nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Ipinasok sa laro matapos ma-injured ang star player na si Ronaldo, kumana si Eder may 109 minuto sa laro para ibigay ang 1-0 panalo kontra sa host France.

Nabalot ng lungkot ang crowd nang mailusot ni Eder ang 25 meter goal kontra sa goalkeeper na si Hugo Lloris sa Stade de France.

Matapos matalo sa Greece sa kanilang sariling tahanan, may 12 taon na ang nakalilipas, natikman ng Portugal ang tamis ng tagumpay sa kauna-unahang pagkakataon sa teritoryo ng karibal.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“It was tough because we lost our main man and we had all our hopes pinned on him because he’s a player who can score a goal at any minute,” pahayag ni Portugal defender Pepe.

“When he said he couldn’t go on, I tried to tell my teammates that we have to win it for him. That we were going to fight for him,” aniya.

At nagawa nila ang isang himala.

“Football can be very cruel,” sambit ni Lloris, team captain ng France.

“The overriding emotion is a lot of sadness.”