Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

4 n.h. -- Racal vs Topstar

6 n.g. -- Tanduay vs Phoenix

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Magtutuos ang dalawang powerhouse teams sa pagbabalik- aksiyon ng 2016 PBA D-League Foundation Cup ngayon, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Manggagaling sa nalasap na unang kabiguan sa kamay ng Racal, magkukumahog na makabalik sa winning track ang Phoenix sa pagsagupa sa Tanduay sa tampok na laro sa ganap na 6:00 ng gabi.

Umaasa si coach Eric Gonzales na napagtanto ng Accelerators ang kanilang mga naging pagkukulang at pagkakamali sa natamong 78-93 kabiguan sa kamay ng Tile Masters.

“Minsan kasi para silang namimili ng kalaban. I don’t want to call it arrogance or complacency, pero pag ganun ang attitude nila, we’re in big trouble,” pahayag ni Gonzales.

At inaasahan ni Gonzales na magbabalik ang dating laro ng Phoenix kontra sa Rhum Masters.

“Hindi joke na kalaban ‘yun. We have to play the game correctly, because if not, we’ll pay for it and we’ll lose the game. We need to give our best effort,” aniya.

Inaasahan naman ni Tanduay coach Lawrence Chongson na mas umangat pa ang laro ng kanyang team.

“Siguro yung character lang ng mga bata, medyo immature pa. We pointed it out and we know na wala pa kami sa level ng upper echelon ng teams dito sa D-League,” ani Chongson. “Sana we play up to the level of Phoenix.”

Mauuna rito, sasakyan naman ng Racal ang momentum ng naging panalo nila sa Phoenix sa pakikipagtuos sa Topstar ZC Mindanao sa ganap na 4:00 ng hapon para palakasin ang tsansa na makapasok sa top two.

Nais ni coach Caloy Garcia na duplikahin, hindi man mahigitan, ang naitalang 102-83 panalo kontra Aguilas noong Hunyo 14 .

Sa panig ng Topstar ZC Mindanao, target nilang makamit ang napakailap na unang panalo. (Marivic Awit

an)