Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kaparehong rollback sa presyo ng gasolina kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan at sobrang supply ng langis sa pandagdigang pamilihan.

Sa huling datos ng Department of Energy (DoE), ang bentahan ngayon ng gasolina ay naglalaro sa P35.65-P43.25 kada litro, habang P25.45- P28.75 naman ang diesel.

Hulyo 5 nang nagtapyas ang Flying V at Shell ng 60 sentimos sa gasolina at 20 sentimos sa kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel. (Bella Gamotea)

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa