GARY V copy copy

NASA isang coffee shop kami sa Gateway Mall kahapon pagkatapos ng presscon ng Gary V Presents concert nang marinig namin na si Gary Valenciano ang pinag-uusapan ng limang ginang at manonood daw sila ng show ni Mr. Pure Energy -- gaganapin sa Kia Theater ngayong Biyernes (Hulyo 15) at Sabado (Hulyo 16). Natatawa kaming palihim sa conversation nila.

Sabi ni ginang number one: “Gusto ko ‘yan, ‘buti naman at lumapit na ang venue, hindi ako nakapanood noon sa Resorts World, masyadong malayo, walang maghahatid sa akin.”

Sagot naman ni ginang number two: “May bagyo noon, hindi mo natandaan? Niyaya ka namin hindi ka kamo pinayagan ng asawa mo.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Ay, oo nga! Nalimutan ko na, kelan nga ba ‘yun? ‘Yun ba ‘yung malakas ang ulan at trapik? Hindi nakauwi asawa ko no’n. Hmmm, oo nga, saan nga ba siya natulog no’n?” mabilis na sagot ni ginang number one.

Ginang number three: “Naku, ikaw talaga, malilimutin ka na, sabi ko na naman kasi magpa-check-up ka na, isama mo kasi si Charles (anak siguro) do’n sa doktor namin.”

Ginang No. 1: (paismid) “Wala akong sakit, hmp!”

Maya-maya, sumingit si ginang number four: “Ano, magpapabili na ako ng ticket sa anak ko, ha? Para sa ating lahat o kanya-kanyang bili na lang? Ipapa-card ko, wala pa ‘yung allowance ko, eh.”

Ginang number five: “’Wag na, kanya-kanya na lang, nakakahiya naman sa anak mo, magsasabi pa ako kay (pangalan ng anak, ‘di naming na-gets masyado).”

Sinang-ayunan siya ng mga kasama.

Magkakatabi kami ng upuan ng limang ginang kaya nakita nila akong napapasulyap at napapangiti sa kanila at ginantihan din nila ako ng ngiti rin.

Nag-usyuso sila nang makita nila ang press release ng Gary V Presents na inilabas namin, pero dahil maliliit ang letrang nakasulat ay hirap silang basahin (mga tsismosa, Bossing DMB).

(Mana sa atin, Reggee. –DMB)

Hindi ako makapagtipa nang diretso kasi panay ang sulyap nila sa ginagawa ko, siyempre nadi-distract ako.

Nang ilabas ko ang Gold album ni Gary V na ipinamigay sa presscon, hayun, dinaldal na kami at tinanong kung saan daw galing at sinabi namin.

Hiniram ang Gold album at binasa lahat ng kanta at sabay tanong ni Ginang No. 1, “Are you part of the production, hija? Lahat ba ito kasama sa repertoire niya?” Magalang naming siyang sinagot ng, ‘Hindi po, um-attend lang po ako ng presscon ni Gary V.’

“Why, are you a reporter?” balik-tanong ni Ginang No. 1 na sinagot namin ng ‘opo.’

Hayun, mas lalo na kaming dinaldal ng kung anu-ano at tinanong kung nakapanood na kami ng show ni Gary V at sinabi naming maraming beses na at talagang sulit ang ibabayad mo, sabay tanong sa amin kung magkano ang tickets at sinabi namin na sa SVIP ay P5,300; VIP P3,180; Orchestra P1,590; Loge P4,240 at Balcony P1,060.

Ending, nagkasundo sila sa presyong orchestra dahil ang hihingiin daw nila sa mga anak nila ay 2,000 pesos at ikakain nila ang sukli.

Ang limang ginang na ito ay parati palang nagkikita-kita sa Gateway tuwing araw ng Lunes at sabay manonood ng sine. Hindi namin naitanong kung libre sila sa sine sa nasabing araw.

Itinanong kung sinu-sino ang guests sa Gary V Presents concert at sinabi naming sina Allan ng Daddy’s Home na sumali sa X Factor Philippines na pinanalunan ni KZ Tandingan; Mitoy Yonting ng The Voice; Janice Javier; RJ Dela Fuente; Lara Maigue, Timmy Pavino at iba pa.

Naloka kami, si Mitoy lang daw kilala nila.

“Hindi namin kilala ‘yung iba, okay na lang na si Gary at Mitoy,” sabay-sabay na sabi ng limang ginang.

Oo nga, pawang mga bago ang kasama ni Gary V sa show niya sa Biyernes at Sabado at sabi nga ni Mr. Pure Energy, kaya niya isinama sa show niya para mapanood ng music lovers ang galing nila pagdating sa entablado.

Hayun, dahil panay ang tsika sa amin ng mga ginang ay hindi tuloy namin mapakinggan ang audio recorder para sa mga pahayag ni Gary V tungkol sa show niya sa Kia Theater.

Kaya, Bossing DMB, bukas na lang namin itutuloy ang ibang detalye.

(Di bale, cute naman itong item mo tungkol sa elders na fans ni Gary V. Kung senior citizens na sila, tuwing Lunes at Martes kasi may free movies sa lahat ng Quezon City theaters. –DMB) (REGGEE BONOAN)