fiba copy

Buwenas na sa Manila qualifying tournament, suwerte pa sa bunutan ang France.

Ilang sandali matapos gapiin ang Canada, 83-74, para masungkit ang huling silya sa men’s basketball event ng Rio Olympics, napunta ang France sa Group A kasama ang two-time defending champion USA sa ginawang draw of lots nitong Linggo, sa MOA Arena.

Pinangasiwaan ni FIBA Sports and Competitions Director Predrag Bogossavljev ang draw matapos makumpleto ng France ang 12-team line-up para sa Rio Games sa Agosto 5-21.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Abot-tainga ang ngiti ni France coach Vincent Collet nang mabunot ang France sa grupo na kinabibilangan ng Americans.

“I think it’s better to be with the United States. After that, you must finish second,” sambit ni Collet, patungkol sa pagkakataon na makakaharap nila ang USA sa gold medal match.

Batay sa format, maglalaro ang mga koponan sa kani-kanaling kagrupo sa one-round elimination kung saan uusad sa quarterfinals ang apat na mangungunang koponan mula magkabilang grupo.

Bukod sa Americans, makakasama rin ng Les Bleus sa Group A ang naunang kuwalipikadong Venezuela, China, Australia, at Serbia, nakalusot sa Rio nang pagwagian ang FIBA OQT sa Belgrade.

Binubuo naman ang Group B ng Argentina, Spain, Brazil, Lithuania, Nigeria, at Croatia, na nagwagi sa FIBA OQT sa Turin, Italy.