golf copy

TROON, Scotland (AP) — May kinang ng bituin ang golf competition ng Rio Olympics – kahit papaano.

Sa kanyang mensahe sa Twitter, sinabi ni American Rickie Fowler, ang world No.6 player, na lalaro siya sa golf event na lalaruin sa kauna-unahang pagkakataon sa Olympics mula noong 1914.

Kaagad ding tumugon ang kababayan niyang si Patrick Reed. Sa ngayon, hinihintay na lamang ang sagot ni world No.3 Jordan Spieth para mabuo ang Team USA.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

May isang araw na lamang ang two-time major champion para magdesisyon kung apektado rin siya sa banta ng Zika virus.

Ayon kay Ty Votaw, vice president ng International Golf Federation, binigyan si Spieth ng hanggang Martes (Miyerkules sa Manila) para tumugon sa USOC headquarters sa Colorado Springs, Colorado.

Kasalukuyang nasa Royal Troon sa Scotland si Spieth para sumabak sa British Open.

Kumpirmado na ring lalahok si two-time Masters champion Bubba Watson.

“Looking forward to wearing some red white and blue in Rio,” pahayag ni Fowler sa kanyang Twitter account nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Pumasok si Reed, No. 13 sa world, bilang kapalit ng umatras na si world No.2 Dustin Johnson bunsod ng takot sa Zika virus.

“I got the email and phone call from Team USA last night and I went through a lot of things with them, and we’re all in,” ayon kay Reed.

“We can’t wait to go and play for USA and have some fun,” aniya.

Sakaling hindi lalaro si Spieth, nakalinya bilang kapalit si Matt Kuchar, nakuha ang No.15 sa world ranking matapos makisosyo sa ikatlong puwesto sa Bridgestone Invitational kamakailan.