Rumesbak si Senate President Franklin Drilon para kay Sen. Leila de Lima matapos na batikusin ang huli dahil sa panawagan nitong Senate inquiry sa serye ng summary execution ng mga pinaghihinalaang tulak ng droga sa bansa.

Partikular na binuweltahan ni Drilon si Solicitor General Jose Calida na kumontra sa plano ni De Lima na magsumite ng isang resolusyon sa Mataas na Kapulungan na humihiling na imbestigahan ang sunud-sunod na pagpatay simula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Duterte.

Itinuring ni Drilon ang pahayag ni Calida laban kay De Lima na hindi lamang pagkuwestiyon sa kapangyarihan ng Senado kundi maging sa isyu ng transparency at accountability ng Pangulo.

Maging sina Senators Panfilo “Ping” Lacson at Juan Miguel “Migz” Zubiri ay pinutakte rin si De Lima dahil maging ang dalawa ay duda sa kahihinatnan ng congressional inquiry sa all-out war ni Duterte laban sa mga sindikato ng droga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I am alarmed by the remarks made by Calida. His remarks were uncalled for and reek of arrogance, unbecoming of a solicitor general. What is he afraid of?” giit ni Drilon.

Iginiit ni Drilon kay Calida na hindi mapipigilan ang Senado sa mandato nitong imbestigahan ang mga alegasyon ng extra-judicial killing sa bansa.

“While we laud and support the campaign against illegal drugs of the Philippine National Police (PNP), the Senate cannot sit idly on allegations of extra-judicial killings that saw a spike in the recent months,” saad sa pahayag ni Drilon.

“We will assert our Constitutional duty to investigate illegal, unjust, improper, or inefficient acts committed by any public official in order to strengthen our existing laws on this matter, and to further aid the campaign of the President against illegal drugs,” giit ng leader ng Senado. (HANNAH L. TORREGOZA)