Maglulunsad ang pulisya ng virtual invasion ng mga barangay sa Metro Manila na maraming kaso ng bentahan at paggamit ng ilegal na droga sa layuning maharangan ang supply nito sa National Capital Region (NCR), na 92 porsiyento ng mga barangay ang apektado ng droga.

Sinabi ni Chief Supt. Oscar Albayalde, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na nagsasagawa na sila ngayon ng assessment upang matukoy ang mga barangay na may matinding problema sa droga.

“I want to prioritize the barangays. I want to isolate the barangays because if you do so, street pushing will end and this comes with the end on other petty crimes such as youth gang war, theft and others,” ani Albayalde.

Tinatawag na barangay isolation strategy, sinabi ni Albayalde na unang tutukuyin ang bilang ng mga barangay at ipakakalat sa mga ito ang mga tauhan ng NCRPO.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Regular ding magsasagawa ng checkpoint sa mga natukoy na barangay at kapag kinakailangan, ipag-uutos ang pagkakampo sa lugar ng mga operatiba ng elite Regional Public Safety Battalion (RSPB). (Aaron Recuenco)