BEIJING (AP) – Anim katao ang namatay at 8 iba pa ang nawawala matapos manalasa ang bagyong Nepartak sa Fujian Province ng China, dala ang malakas na ulan at hangin na bumuwal sa kabahayan at nagbunsod ng mga landslide, sinabi ng gobyerno.

Ayon sa Fujian water resources department, mahigit 438,000 katao ang inilikas. Daan-daang biyahe ng eroplano at tren ang kinansela, at nangapa sa dilim ang malaking bahagi ng lalawigan dahil sa pagkasira ng mga linya ng kuryente.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina