france copy

Malaki ang posibilidad na makapaglaro ang PBA player para sa bubuuing Gilas Pilipinas sa international tournament sa hinaharap.

Batay sa bagong FIBA competition format na inilunsad ng liga para sa 2019 World Cup, walang dahilan para maitsapuwera ang pro player sa paghahanda at pagpapalakas ng hanay ng Gilas.

Ayon kay FIBA sport and competitions director Predrag Bogosavljiev, pahihintulutan ang mga koponan na magpalit ng kani-kanilang line-up maging sa kalagitnaan ng home-and-away qualifying format para sa world championship na gaganapin sa China.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sinabi ni Bogosavljiev na bawat bansa may kay karapatang magbuo ng 24-man line up na puwedeng baguhin ang komposisyon bago ang deadline ng qualifying event na lalahukan.

Matatandaang binuhay ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang Gilas Cadet program para makabuo ng isang koponan na pawang amateur, isang pagkilos para makasiguro sakaling hindi makakuha ng PBA player dahil sa iskedyul.

Ngunit, sa bagong format, tila walang balakid para sa Gilas Pilipinas na makabuo ng koponan na may PBA player.

“Actually, for every single game, you can have different players. This is part of the system,” sambit ni Bogosavljiev.

Iginiit ni Bogosavljiev na sa bagong sistema, puwedeng magsumite ng line-up ang bawat koponan na binubuo ng iba’t ibang player bago ang window period ng laro.

“We really want to open the possibilities for each federation, but we have to keep control. Each federation will be able to submit a list of 24 which could change for each window,” pahayag ni Bogosavljiev.