Target ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro ng may anim na milyong bagong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 31.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nais nilang makapagrehistro ng dalawang milyong regular-aged voter para sa barangay elections at apat na milyon naman para sa SK polls.

Kaugnay nito, ngayon pa lang ay hinihikayat na ni Jimenez ang mga bagong botante na magparehistro at samantalahin ang 16-araw na registration period na sisimulan sa Biyernes, Hulyo 15 at magtatagal hanggang sa Hulyo 31, 2016 lamang.

Sinabi ni Jimenez na kabilang sa mga maaaring magparehistro ang mga Pinoy na edad 18 pataas para sa barangay elections, habang 15-17 anyos naman para sa boboto sa SK polls.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Personal na magparehistro sa tanggapan ng election officer simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa mga nasabing petsa, kabilang ang Sabado, Linggo, at holiday.

Bukod sa mga first-time voter, maaari ring magparehistro ang mga na-deactivate ang registration. (Mary Ann Santiago)