Inaabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista na dalawang kalsada sa Benguet at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region ang hindi maaaring daanan dahil sa pinsala ng ulan na dala ng bagyong “Butchoy.”

Sa ulat na isinumite sa Bureau of Maintenance ng DPWH, tinukoy ang mga isinarang kalsada sa Benguet na Asin-Nangalisan-San Pascual Road, K0275 + 209 (likuang kalsada), na sinira ng baha.

Isinara rin sa trapiko ang Junction Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road, K0386 + 900 Talubin-Chatol Section sa Mt. Province dahil sa madulas na daan.

Nagsasagawa ngayon ang DPWH ng emergency construction na likuang tulay sa mga apektadong parte ng kalsada sa Benguet habang ang isang pansamantalang tulay ay itinayo sa Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road sa Mountain Province. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'