Sampung opisyal ng Oroquieta City Water District ang sinibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo dahil sa paglustay umano sa pondo ng kanilang tanggapan, na aabot sa P6.3 milyon, noong 2010.

Kabilang sa mga ito sina dating Chairman Evelyn Catherine Silagon; General Manager Ricardo Ravacio; Board Member Diego Yew; sina Division Manager Rosalyn Policarpio, Aljun John Berenguel at Bobith Baloncio; sina Finance Officer Arleen Adlaon, Nelda Antonette Cabatingan at Joey Kim Villabert; at Corporate Account Analyst Leonita Loma.

Inihayag ng Ombudsman na napatunayang nagkasala sa grave misconduct ang nasabing mga opisyal kaya kinansela na rin ang eligibility ng mga ito at ang kanilang benepisyo sa pagreretiro.

Pinagbawalan na rin sila na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at binawalan na ring kumuha ng civil service examinations. Ayon sa anti-graft agency, kapag wala na sa serbisyo ang mga ito ay pagmumultahin na lang sila ng katumbas ng kanilang isang taong suweldo.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Bukod dito, pinakakasuhan din sila ng multiple counts of malversation (Article 217, Revised Penal Code).

Ayon sa resulta ng imbestigasyon ng Commission on Audit (CoA), aabot sa 91 ang cash withdrawal na nagkakahalaga ng P790,515.80 na ginastos umano bilang organizational cost at debt write-offs sa kabila ng kakulangan nito ng mga dokumento.

Tinukoy pa na wala ring kakukulang dokumento ang P5,543,716.85 na disbursement ng mga ito.

“Policarpio, Adlaon and Villabert admitted that they encashed the checks and remitted the proceeds through local money transfers to Silagon whenever the latter needed money. [T]he aforesaid respondents, in an unbridled manner, plundered OCWD’s funds by facilitating disbursements that lacked documents, and, in may instances, had no indication of any particular expense whatsoever in violation of existing COA rules and regulations, particularly Section 4 of P.D. No. 1445 (State Audit Code of the Philippines),” sabi pa ng ahensiya. (Rommel P. Tabbad)