Tiniyak ni Manila Police District (MPD) Director Senior Supt. Joel “Jigs” Coronel na pagkakalooban nila ng ayuda ang bagitong pulis na nagwala at namaril sa loob ng MPD headquarters sa Ermita, Manila, kamakailan.

Sa panayam ng MPD Press Corps, sinabi ni Coronel na tutulungan nila si PO1 Vincent Paul Solares, na residente ng Tondo, at dalawang taon pa lamang na nagseserbisyo sa MPD-Station 11.

Ito ay matapos na lumitaw sa mga pagsusuri kay Solares na hindi siya isang drug addict, at sa halip ay dumaranas lamang ng problema sa pag-iisip.

Kinumpirma ni Coronel na mismong ang pamilya na ni Solares ang humiling na ipasuri ito sa National Center for Mental Health (NCMH) dahil sa kakaiba nitong ikinikilos.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Buti hindi napatay ng SWAT (Special Weapons and Tactics) natin. Kung nagkataon, nakapanghihinayang,” ani Coronel.

Sinabi pa ni Coronel na ang mga katulad ni Solares na maaaring dumaranas ng sobrang stress o tensiyon dulot ng trabaho, ay dapat na tulungan ng PNP. - Mary Ann Santiago