Nakatakdang idaos ang 2016 PBA All-Star Weekend sa susunod na buwan sa Smart Araneta Coliseum.

Pormal ng lumagda ng kontrata ang PBA at Uniprom, ang events arm ng Araneta Group, para isulong ang pinakamalaking laban ng pinakamahuhusay na pro player sa bansa.

May pagkakataon na muli ang mga fans na bumoto para sa mga paborito nilang players na bubuo ng North at South teams para sa taunang All-Star Game.

Maaari ring bumoto online sa PBA.ph.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang tradisyunal event gaya ng Rookie vs Sophomore Game, Obstacle Challenge, Three-Point Shootout, Dunk Contest, at ang laban ng mga Greats at Stalwarts ang nakahanay na gawin sa event.

“We’re planning. Sinabihan na ako ni chairman Robert Non na kailangan under his watch, maiba naman para matandaan ng basketball fans yung event. I also urged the players to show extra effort in reaching out to the fans to give them more enjoyment,”ayon kay PBA Commissioner Chito Narvasa.

Sinabi rin ni Narvasa na plano nilang dalhin ang PBA All-Star spectacle sa ibang bansa sa susunod na taon kung saan isa ang Dubai sa kinukonsiderang venue.

“Hopefully, next year baka matuloy na natin. Maraming OFWs na magagalak kung madala natin ang All-Star doon.” aniya. - Marivic Awitan