Handa ang Malacañang na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng sunud-sunod na pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa bansa.

Ang reaksiyon ng Malacañang ay kasunod ng komento ng human rights lawyer na si Manuel Diokno na “out-of-control” na ang drug war sa bansa, dahil sa halip na batas ay baril na ang nagpapatupad ng hustisya.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat talagang maimbestigahan kung mayroong ebidensiya kaugnay ng alegasyon ng paglabag.

Nilinaw ni Abella na hindi naman manhid ang Malacañang sa mga nangyayari, pero iginiit na kung may mga reklamo ay kailangan at dapat na imbestigahan ito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Pero, if there are any complaints then ‘wag po natin ibase doon sa speculation. ‘Wag lang po natin ibase sa reportage. Pero kung talagang meron pong mga pruweba, if there’s substantive evidence and proven, the Palace, the government is also of course open to any investigation,” ani Abella. - Beth Camia