6

KILALA ang lalawigan ng Ifugao sa mga pamosong rice terraces at mayamang tradisyon at kultura na hanggang ngayon pinangangalagaan ng mga katutubo.

Ang Ifugao ang may pinakamataas na bilang ng foreign tourist arrivals, dahil sa limang rice terraces na ang kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organizations World Heritage (UNESCO), bilang mga World Heritage Site ng Cordillera.

Sa mga turista na mahilig sa adventure at kakaibang karanasan, ipinagmamalaki ngayon ng mga opisyales sa bayan ng Kiangan ang kanilang bagong tourist destination, ang Open Air Museum ng Nagacadan Rice Terraces, ang ikalimang UNESCO Heritage Site ng Cordillera.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Taong 2013 nang planuhin ni Kiangan Mayor Josel Guyguyon na gawing Open Air Museum ang Barangay Nagacadan na binubuo ng limang sitio, bilang bagong tourist trekking destination ng Ifugao.

Ang Kiangan ang pinakamatandang bayan ng Ifugao at naging home base ng Japanese Imperial Army sa pamumuno Gen. Tomoyuki Yamashita noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsisilbing tourists spot ngayon dito ang Yamashita Shrine at museum na naglalaman ng mga makasaysayang naganap sa bayang ito.

Binuksan ang 150 hectares ng Nagacadan bilang Open Air Museum sa turismo noong 2014 bunsod ng pagkakaisa at suporta ng villagers sa hangaring mapalago ang turismo sa bayan. Sa tulong ng Ford Foundation sa ilalim ng United Nations ay napondohan ng P1.2 milyon ang proyektong ito at ginawa ang rehabilitation developments para sa Open Air Museum. Napagkaisahan ng municipal government na ipamahala sa villagers ang operasyon at ang income ay paghahati-hatian para sa kanilang karagdagang livelihood. 

Sa halagang P350 kada bisita, tiyak na masisiyahan sa kakaibang karanasan ang turista sa Open Air Museum, kasama ang well-trained tourist guide na maglalakad sa may three-kilometer hike sa unique landscape ng Nagacadan.

Sa pagdaan sa mga sitio ay sasalubong naman ang mga residente sa pamamagitan ng cultural presentation at makikita ang mga piling kabahayan na may galleries, na nagpapakita ng mayamang kultura at tradisyon ng Ifugao, gaya ng rice cycle, art and crafts, agriculture and architecture.

Nag-anyaya si Mayor Guyguyon sa mga turista na bisitahin ang Kiangan Open Air Museum sa kanilang pagtungo sa Ifugao, dahil dito lamang mararanasan at makikita ang mayamang kultura at ang unique landscape ng Nacagadan Rice Terraces.

(RIZALDY COMANDA)

[gallery ids="180971,180970,180969,180968,180965,180958,180959,180961,180962,180963,180957,180955,180954,180953,180952,180951"]