Inaalam na ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah ang kabuuang detalye sa aksidente na naging dahilan ng pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) at malubhang ikinasugat ng kasamahan nito noong unang araw ng Eid’l Fitr holiday, sa Saudi Arabia.

Sa ulat na natanggap ni Vice Consul Alex Estomo, hepe ng Assistance to National Section ng Konsulado, nitong Miyerkules ay binangga ng isang humaharurot na sasakyan ang likurang bahagi ng kotseng sinasakyan ng OFW na hindi pinangalanan, kasama ang isang kaibigan at ang driver ng sasakyan, sa bayan ng Taif.

May dalawang oras lang ang biyahe mula sa Jeddah patungong Taif, na pinakasikat na pasyalan ng mga Pilipino kapag may mahabang bakasyon, tulad ng Ramadan.

Nabatid na ang driver mismo ng sinasakyan ng mga biktima ang tumawag kay Estomo upang ipaalam ang insidente, at kinumpirmang dead-on-the-spot ang Pinoy habang kritikal naman sa intensive care unit sa isang ospital doon ang kasama nito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Samantala, inaayos na ng Konsulado ang mga kinakailangang dokumento para sa repatriation ng labi ng nasawing OFW. - Bella Gamotea