Mga laro ngayon (San Juan Arena)

9 n.u. -- JRU  vs San Sebastian

10:45 n.u. -- San Beda vs Perpetual Help

12:30 n.h. -- EAC vs Arellano

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

2:15 n.h. -- CSB-LSGH vs Letran

4:00 n.h. -- Mapua vs Lyceum

Mapanatili sa liderato ang tatangkain ng tatlong koponan sa pagbabalik-aksiyon ngayon ng NCAA Season 92 juniors basketball tournament, sa San Juan Arena.

Magkakasalo, sa pangunguna taglay ang magkakaparehas na barahang 3-0, ang reigning 7-peat champion San Beda College, last year’s losing finalist Arellano, at Mapua.

Nakatakda silang sumabak sa tatlong magkakahiwalay na laro na bahagi ng five- game bill na magsisimula sa ganap na 9:00 ng umaga sa pagitan ng Jose Rizal University at bokyang San Sebastian College.

Mauunang sumabak ang Red Cubs ni coach JB Sison sa ikalawang laban sa 10:45 ng umaga kontra University of  Perpetual Help kasunod ang Arellano Braves na haharapin ang wala pa ring panalong Emilio Aguinaldo College- ICA Brigadiers sa ikatlong laban ganap na 12:30 ng hapon.

Sunod namang sasabak ang  CSB - La Salle Greenhills Junior Blazers kontra Letran Squires sa ikaapat na laro, ganap na 2:15 ng hapon bago ang tampok na laban sa ganap na 4:00 ng hapon sa pagitan ng Mapua Red Robins at Lyceum Junior Pirates.

Magkasalo sa ikalawang puwesto at may parehong barahang 2-1, panalo- talo, hangad ng Junior Blazers at Squires na maitala ang kani- kanilang ikatlong tagumpay kasunod ng huling panalo noong Hulyo 4 bago magpahinga ang liga bilang pagbibigay- daan sa katatapos na Manila Olympic Qualifying Tournament. 

Samantala, nakatakda ring magbalik-aksiyon bukas sa seniors division sa pamamagitan ng triple header na nagtatampok sa Mapua at Lyceum sa unang laban sa ganap na 12:00 ng tanghali, EAC at San Beda sa ikalawang laro ganap na 2:00 ng hapon, at JRU kontra St.Benilde sa huling laban sa ganap na 4:00 ng hapon. - Marivic Awitan