May kapalit na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao bilang No. 1 boxer sa Pilipinas matapos mapatigil sa 3rd round ni Sonny Katiandagho ang walang talong Armenian na si Rafik Harutjunjan para matamo ang WBC Eurasia Pacific Boxing Council welterweight crown kamakalawa ng gabi, sa Sichuan Gymnasium sa Chengdu, China.

Napabagsak ng knockout artist na si Harutjunjan ang kababayan ni Pacquiao sa 1st round ngunit nakaresbak ang binansagang “Pinoy Hearns” sa sumunod na round nang bumigay ang Armenian sa matitinding bigwas sa bodega.

“Katiandagho downed his opponent with body shots in the second round. He continued hurting the Amernian with telling body blows in the third round until the referee saw that Harutjunjan was already badly hurt and trying to run away from the Filipino fighter,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

”The referee stopped the fight before the end of the third round.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang ikalawang malaking titulo ni Katiandagho matapos matamo ang bakanteng WBC Youth world light welterweight  title nang talunin ang beteranong si ex-OPBF super featherweight champion Allan Tanada noong Oktubre 4, 2014, sa La Trinidad, Benguet.

“The opponent is strong but because Sonny have trained well he was able to recover immediately from the knockdown,” ayon sa manager ni Katiandagho na si Brico Santig.

“Suwerte at tinalo natin ang isang undefeated. Pero basta’t may tamang ensayo at preparasyon, malaki talaga ang chance sa boxer na manalo,” pahayag naman ng trainer na si Joven Jorda.

Napaganda ng 23-anyos na si Katiandagho ang kanyang kartada sa 10-1-0, win-loss-draw, na may 6 panalo sa knockouts samantalang lumasap ng unang pagkatalo si Harutjunjan matapos ang 9 na panalo, 5 sa knockout. - Gilbert Espena