Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng oil industry sources, posibleng tumaas ng lima hanggang 10 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel kasabay ng tapyas na 50 hanggang 60 sentimos sa kada litro ng gasolina.
Ang nakaambang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Hulyo 5 nang nagtapyas ang mga oil company, sa pangunguna ng Flying V at Shell, ng 60 sentimos sa gasolina at 20 sentimos naman sa kerosene, habang walang paggalaw sa presyo ng diesel. - Bella Gamotea