KINANSELA ni Chaka Khan ang kanyang nalalapit na pagtatanghal sa California State Fair – pati na rin ang kanyang lahat na pagtatanghal hanggang sa pagtatapos ng Hulyo – at ipinasok ang kanyang sarili sa rehab para magamot ang kanyang adiksiyon sa isang prescription pain medication, kinumpirma ng kanyang kinakatawan sa Modesto Bee.
“[Khan has] voluntarily entered the program to get healthy and stay that way,” sabi ng representative ng 63-year-old music legend. Ayon sa pahayagan, nakatala na ang singer sa rehab at isang aftercare program.
Si Khan, na sumikat sa kanyang hit tulad ng I’m Every Woman at I Feel For You, ay malapit na kaibigan at oft-collaborator ng yumaong si Prince, na napag-alaman na may longtime struggle sa isang painkiller addiction, na humantong sa pagkamatay dahil sa overdose sa fentanyl noong Abril
Kung ang adiksiyon ni Prince ay nagmula sa isang chronic pain pagkatapos ng kanyang hip injury, hindi naman tinukoy ng kinatawan ni Khan kung ano ang dahilan ng adiksyon ng singer.
Sa isang pahayag na inilabas ng Associated Press noong Linggo, inamin ni Khan na nakikipaglaban siya sa adiksyon na pareho kay Prince na naging dahilan ng pagkamatay nito, at ang pagkamatay ni Prince ang naghimok sa kanya at sa kanyang kapatid na magpagamot.
“The tragic death of Prince has has us both rethinking and reevaluating our lives and priorities,” sabi ni Khan. “We knew it was time to take action to save our lives. My sister and I would like to thank everyone for their support, love and prayers.”
Nakipaglaban na rin noon si Khan sa drug at alcohol addiction at maraming beses na nagpa-rehab.
“We are extremely disappointed Chaka Khan canceled because we knew how much the community was looking forward to it, yet at the same time we wish her the best in her health and full recovery,” pahayag ng State Fair spokeswoman na si Adrenna Alkhas. “We are very excited to announce that Jody Watley and Shalamar will be replacing her. They will bring a high-energy performance that our guests will love.” (US Weekly)