DUBAI (Reuters) – Nagbanta ang anak na lalaki ng pinaslang na si al Qaeda leader Osama bin Laden na maghihiganti laban sa United States sa pagkamatay ng kanyang ama, ayon sa isang audio message na ipinaskil sa online.

Nangako si Hamza bin Laden na ipagpapatuloy ang laban ng militanteng grupo sa United States at mga kaalyado nito sa 21-minutong talumpati na pinamagatang “We Are All Osama,” ayon sa SITE Intelligence Group.

“We will continue striking you and targeting you in your country and abroad in response to your oppression of the people of Palestine, Afghanistan, Syria, Iraq, Yemen, Somalia and the rest of the Muslim lands that did not survive your oppression,” sabi ni Hamza.

Napatay ng mga U.S. commando si Osama bin Laden sa pinagtataguan nito sa Pakistan noong 2011.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina