Tatangkain ng Team UAAP-Philippines na mapaangat ang nakamit na ikalimang puwesto sa nakalipas na edisyon sa pagratsada ng 19th ASEAN University Games, sa Nanyang Technological University sa Singapore.

Sa pangunguna ni swimmer Hannah Dato ng Ateneo, nagwagi ang Team UAAP-Philippines ng 10 ginto, 11 silver at 22 bronze medal noong 2014 edition ng Uni- Games sa Palembang.

Nagbabalik sa delegasyon si Dato, na muling namuno para sa Lady Eagles, sa isa na namang kampeonato sa nakaraang UAAP season para sa 10- araw na regional meet na magtatampok sa may 15,000 student/athlete mula sa 11 bansang kalahok.

May 16 na sports ang paglalabanan.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Makakasama ni Dato upang pangunahan ang Team UAAP Philippines sina league’s Season 78 co-Athletes of the Year La Salle table tennis ace Ian Lariba at Ateneo volleyball superstar Alyssa Valdez.

Ang AUG ang huling kompetisyon na sasabakan ni Lariba’s bago siya lumaban sa Rio Olympics sa susunod na buwan.

Ang iba pang mga UAAP champion squads gaya ng Ateneo men’s volleyball at University of the East men’s at women’s fencing ay sasabak sa kompetisyon. (Marivic Awitan)