Ikinokonsidera ng gobyerno ang isla ng Palawan para pagtayuan ng isang bantay-sarado na islang piitan para sa mga high-profile na bilanggo.

“Meron na kaming ikino-consider na ilang isla sa Palawan, na talagang walang signal,” sabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Iginiit ni Aguirre ang pangangailangan sa pagkakaroon ng isang high-security prison matapos makumpirmang 75 porsiyento ng mga transaksiyon sa ilegal na droga sa bansa ay nangyayari sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Kapag naihanda na ang piitan sa isla, sinabi ni Aguirre na agad na ililipat doon ang mga high-profile inmate sa Bilibid.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa ngayon, aniya, nangangailangan din ng retraining ang lahat ng kawani sa mga bilangguan.

Kapag natapos na sa pagsasanay, sinabi ng kalihim na ipakakalat ang mga empleyado ng piitan sa ptiong pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bansa.

Una nang inihayag ni Aguirre na ikinokonsidera ng Department of Justice (DoJ) ang pagpapatayo ng isang piitan sa isla, gaya ng Alcatraz sa Amerika. (Jeffrey G. Damicog)