HOKKAIDO, Japan – Kumana si Pinoy golf star Juvic Pagunsan ng five-under 67 para makisosyo sa ikalimang puwesto matapos ang ikatlong round nitong Sabado sa Japan PGA Championship, sa Hokkaido CLassic Golf Club.

Naitala ni Pagunsan, 2013 Asian PGA Tour Money winner, ang pitong birdie at dalawang bogey para sa kabuuang eight-under 208 tungo sa final round.

Naghahabol si Pagunsan, umiskor ng 71-70 sa unang dalawang round, ng walong puntos sa nangungunang si Toshinori Muto, kumana ng 69.

Maagang nagpamalas ng katatagan ang Pinoy sa naiskor na three-under bago rumatsada sa back nine sa natipang tatlong birdie.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magkasosyo sa ikalawang puwesto na may 203 iskor sina Hideto Tanihara, kumubra ng 65, at Korea’s Young Han Song, nagsumite ng 66 na puntos.

Mag-isa sa ikaapat na puwesto si Han Lee ng US sa 207 sa nagawang bogey-free 63.

Kasama ni Pagunsan sa ikalimang puwesto sina Yoshitaka Takea, na may 68, at New Zealand’s Michael Hendry, kumana ng 70.