Magpapatuloy ang pag-uusap sa pagitan ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) at Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) upang planuhin ang susunod na programa sa pagbuo ng National Team .

Mismong si PBA Commissioner Chito Narvasa ay aminado na marami pang dapat ayusin sa Gilas Pilipinas, nabigo sa kampanyang makasikwat ng slot sa Rio Olympics sa nakamit na dalawang kabiguan sa France at New Zeland, sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

“Nakikita mo talaga na kailangan ng height kasi, talagang wala tayong laban sa mas malalaking karibal. Walang masyadong katuwang si Blatche (Andray),” sambit ni Narvasa.

Inaasahang bubuwagin ang line-up ng Gilas matapos magretiro si guard Jason Castro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re all looking for suggestions also and make sure all are involved kasi masaya naman sila (SBP and PBA board), everybody is interested in helping Gilas while they (SBP) also recognized the direction of the PBA,” sambit ni Narvasa.

Nauna nang inihayag ng SBP ang pagbabalik ng Gilas cadets program dahil sa bagong programang ipapatupad ng FIBA sa susunod na taon para sa World Cup qualifying.

Ngunit, hindi naman anila inaalis ang posibilidad na gumamit pa rin sila ng PBA player. (Marivic Awitan)