CEBU CITY – Pinaigting ng Police Regional Office (PRO)-7 ang intelligence monitoring laban sa kilalang pandaigdigang grupo ng mga terorista na Islamic State (IS) kahit pa wala namang direktang banta ang grupo sa Cebu.

Ayon kay PRO-7 Director Chief Supt. Noli Taliño, nakaalerto ang pamahalaang panglalawigan ng Cebu kasunod ng mga ulat na may banta ng IS sa Davao City.

Sinabi ni Regional Intelligence Division (RID)-7 chief Supt. Rex Derilo na baga

mat wala pang napapaulat na banta sa seguridad o senyales ng aktibidad ng IS sa lalawigan, inatasan sila ni Taliño na maging alerto at mapagmatyag.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

“Taliño also ordered our intelligence units to intensify their monitoring. In turn, we instructed our men to be on the lookout for any unusual activities,” sabi ni Derilo.

Kasabay nito, sinabi ni Derilo na paiigtingin ng pulisya ang hakbanging pangseguridad sa lahat ng himpilan ng pulisya sa rehiyon.

Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang intelligence agency upang maberipika ang mga ulat tungkol sa umano’y presensiya o banta ng IS sa bansa.

Hiniling din ni Derilo sa publiko ang pakikipagtulungan, dahil balak ng pulisya na paigtingin ang contingency plans nito, gaya ng pagbubukas ng mas maraming checkpoint sa iba’t ibang panig ng Central Visayas. (Mars W. Mosqueda, Jr.)