KAPANALIG, kadalasan, pagdating sa pera, sinisi natin sa mga panlabas na dahilan kung bakit lagi tayong salat. Ang hinaing natin, maraming gastos habang maliit ang suweldo. Totoo ito para sa marami, pero may mabisang paraan upang maiwasan ang kakulangan sa budget.

Ang financial literacy, kapanalig, ay isang stratehiya upang magamit natin ng wasto ang income na natatanggap natin.

At nakapaloob dito ang pagpaplano kung paano gagamitin ang pera, pagtitipid, pag-iimpok at pag-iinvest.

Nagsagawa ng survey ang World Bank noong 2015 ukol sa financial literacy sa ating bansa (Enhancing Financial Capability and Inclusion in the Philippines - A Demand-side Assessment). Base sa pagsusuri, anim sa sampung Pilipino ang nagsabi na pinaplano nila kung paano nila gagamitin ang perang kanilang kinikita. Habang 57% naman ang nagsabi na may natitira pa kahit papaano sa kanilang pera pagkatapos ng katakut-takot na gastusin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bukod dito, nakita rin sa pagsusuri na may 20 milyong Pilipino ang nag-iimpok, pero 10 milyon lamang ang may bank account. Habang 98% sa mga nag-iimpok na walang bank account ay kumikita ng mas maliit pa sa P50,000 kada buwan.

Ang pag-iimpok kasi ay isang paraan na hindi nagagamit ng maraming Pilipino. Maraming mga hadlang dito. Unang-una, access para sa maralita. Medyo malaki kasi para sa mamamayang maliit ang suweldo ang mga maintaining balance na kinakailangan sa bangko.

Isa pang hadlang sa pag-iimpok sa bangko ay ang nakagisnang kaugalian ng marami nating kababayan. Sa halip na pumunta sa bangko, mas nais pa ng marami na itago na lamang sa bahay ang natitirang pera para madali nila itong makuha kapag kinakailangan. Para sa marami, mas mahirap kunin ang pera lalo na kung passbook ang gagamitin. Pipila ng mahaba, at kailangan pang magbiyahe, lalo na sa rural areas.

Isa pang hadlang ang kakulangan sa IDs o dokumento. Hinihingan ng dalawang ID ang kliyente bago makapagbukas ng bank account. Kadalasan, iisa o wala pa ngang ID ang maraming Pilipino, lalo na kung maralita at nasa informal economy ang pinagkakakitaan.

Ang financial literacy ay isang hakbang tungo sa financial inclusion. ‘Pag may access sa bangko ang mga mamamayan, hindi lamang savings products ang magagamit nila, kundi investment at loan products din.

Ang kakulangan sa kaalaman ukol sa financial literacy ay kailangang matugunan, dahil ito ay mahalaga para sa personal security, at pati na rin sa pangkalahatang ekonomiya. Kaya lamang, kulang pa ang financial literacy education, pati na ang access sa savings at financing services para sa maralitang mag-iimpok, investor, at negosyante.

Ang pagpapalaganap ng financial literacy ay isang paraan ng pagpapalaganap ng solidarity. Ayon nga kay dating Pope Benedict sa kanyang Caritas in Veritate: “Solidarity is first and foremost a sense of responsibility on the part of everyone with regard to everyone.”

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)