Pinayuhan ni AKO-Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang Kamara de Representantes na itapon na ang red carpet para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25.

“With President Duterte’s simplicity, the traditional fashion show in Congress is already dead,” sinabi ni Batocabe sa isang panayam.

Una nang sinabi ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, ang inaasahang magiging susunod na House Speaker ng 17th Congress, sa mga kapwa niyang kongresista na magsuot lang ng “business attire” sa araw ng SONA—na nakagisnan na bilang isang bonggang okasyon na nagpapatalbugan ang mga mambabatas sa naggagandahan nilang damit.

“The Speaker informed us that we can wear business attire. So there is no reason anymore to roll the red carpet during SONA,” sabi ni Batocabe.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The red carpet should not be rolled because we are not attending film premieres where stars parade or attending FAMAS, Oscars and Cannes awards,” dagdag pa niya.

Si Duterte, 71, ay kilala sa kanyang kasimplehan, at matatandaang nagsuot ng walang disenyong Mindanao silk barong, na idinisenyo ni Mimi Parrel-Pimentel, sa kanyang inagurasyon bilang ika-16 na pangulo ng bansa nitong Hunyo 30.

Tinernuhan niya ito ng pantalong khaki. (Ellson A. Quismorio)