NAPAKALAKING bagay ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas o ng mga bagong negosyo sa ating bansa para sa ating singers o performers dahil sila ang iniimbitahan tuwing nagdiriwang ang mga ito ng kanilang tagumpay.
Isa sa may pinakamalaking market ngayon ang mga produkto sa pangangalaga sa kalusugan. Marami ang naglalabasang supplements ngayon bilang karagdagang proteksiyon para makaiwas sa mga sakit na dulot ng ating modernong pamumuhay o lifestyle. Laging ipinapaalala na hindi ito gamot para mapagaling ng karamdaman kundi for prevention talaga, kaya marami talaga ang bumibili at umiinom ng mga ito.
Isa sa pinakamalakas ngayon sa larangan ng multi-level marketing ang Alliance In Motion Global Inc. (AIM Global) na nagdiriwang ng kanilang ikasampung taon sa industriya.
Ayon sa talent coordinator na aming nakausap, almost P12M ang ginastos ng AIM Global sa concert pa lamang na kanilang isinagawa sa Philippine Arena. Ang nakakatuwa, pawang local o OPM singers ang kanilang kinuha.
Pero hindi lang performers ang nakikinabang sa malakas na sales ng AIM Global products, dahil karamihan sa mga taga-showbiz ay aktibo na rin sa pamamahagi ng iba’t ibang produkto nito tulad ng 24/7 natural ceuticals anti-oxidant; Complete Phyto-Energizer; Restolyf; Choleduz (source of Omega 3 fatty acids); Vida Maxx (cardiovascular food supplement); My Choco (premium chocolate beverages); Alkaline coffee; Whitelight Glutathione; NaturaCentals Herbal Toothpaste; NaturaCentals Cleansing & Whitening Bar; Nature Feminine Wash at marami pang iba na puwedeng ma-check sa website.
Isa sa mga naririnig naming naging nagkaroon ng big success sa AIM Global ang dating child actress sa ABS-CBN na si Ani Pearl Aquino.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website na www.AllianceInMotion.com at maaari ring i-like ang kanilang Facebook page www.fb.com/AIMGLOBALOFFICIALPAGE.
Tatlong araw na isinagawa ang pagdiriwang ng 10th anniversary ng Alliance in Motion Global na may temang “A Decade of Passion, Service, and Excellence” noong Mayo 27–30, sa Cuneta Astrodome, Philippine Arena at Solaire Hotel.
Sa loob ng tatlong araw, dinayo ng mga miyembro galing sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mundo, tulad ng Asia, Middle East, Europe at United states ang selebrasyon na inumpisahan ng launching ng kanilang AIMcademy -- isang buong araw na training na nakatuon sa product awareness and presentations.
Ang mga trainor ay pinangunahan ng top executives ng AIM Global, kasama ang ilang mga banyagang eksperto na kumakatawan sa kanilang mga partner na kumpanya.
Ang ikalawang araw ng selebrasyon ay isinagawa sa Philippine Arena sa Bulacan, na dinaluhan ng libu-libong mga miyembro ng AIM Global. Tuwang-tuwa ang lahat dahil nagtanghal para sa kanila ang sikat na performers sa bansa.
Unang bumulaga sa stage si Ely Buendia para sa pre-event show na siyempre pang sinabayan sa pagkanta ng audience.
Sumunod si KZ Tandingan na kumanta rin ng mga pinasikat niyang awitin. Nanatiling buhay at punumpuno ng energy ang buong lugar nang mag-perform din si Bamboo ng kanyang hit songs.
Natapos ang pagtatanghal na bitin pa rin ang mga miyembro dahil sa kanilang “more, more, more” pero sobra talaga ang kanilang kasiyahan.
Nang gabing iyon, naganap din ang pagpapakilala, presentasyon, at grand parade ng mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo, AIM Global Speakers Bureau, Top Leaders, International Speakers at VIPs.
Kasunod nito ang pagpapatotoo at testimonya ng New Millionaires, at gayundin ng Global Ambassadors.
Sa gitna ng walang humpay na kasiyahang dulot ng pagdiriwang ay muling nasorpresa ang lahat nang biglang i-announce ang pagkakaloob ng US$30,000 donasyon mula sa Nature’s Way at Natural Life Asia, para sa ALIVE Foundation na pinamumunuan ni Dra. Connie Cabantog ng AIM Global, na mahigit 30,000 pamilya na ang nakatanggap ng tulong pinansyal at medikal mula nang itatag ito noong 2008.
Pero isa pang sorpresa ang in-announce dahil nagbigay rin ng US$10,000 na donasyon para sa naturang foundation ang Weider Global Nutrition.
Winakasan ang ikalawang araw ng selebrasyon sa pamamagitan ng pamimigay ng tatlong bagong kotse sa ginanap na raffle draw.
Sa ikatlo at huling araw naman ng grand celebration, muling naghandog ang AIM Global ng eksklusibong prestihiyosong black-tie event sa grand ballroom ng Solaire Hotel Resort and Casino. Nagtanghal din ang talentado at magandang si Julie Ann San Jose.
Isang marangyang gala night ang nasabing pagtitipon na dinaluhan ng humigit-kumulang isang libo katao bilang pasasalamat ng pamunuan sa kanilang nakamtang tagumpay at katatagan sa loob ng sampung taon sa larangan ng pagnenegosyo na kanilang kinabibilangan. (REGGEE BONOAN)