Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika sa “pag-aangkat” ng terorismo.

Sa kanyang talumpati sa Mindanao Hariraya Eid’l Fitr 2016 sa Davao City nitong Biyernes, tinukoy din ni Duterte ang kolonyalismo bilang puno’t dulo ng pagkamuhi ng mga Muslim na nagbunsod sa pag-aalburoto ng mamamayan sa Gitnang Silangan.

“That's what's happening in the Middle East. The Middle East is not exporting terrorism to America. America imported terrorism,” ayon kay Duterte.

Ayon pa sa dating alkalde ng Davao City, ang US-led coalition, na sinuportahan ng United Kingdom, ang nagsimula ng giyera sa Iraq na nagtulak sa mga Muslim upang mag-alsa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sinira nila ang Middle East. Sino ba naman si Saddam (Hussein)? He was a dictator, but he was in firm control of the country,” aniya.

Matapos ang mahigit 10 taong imbestigasyon, sinabi ni Duterte na wala pa ring napagtibay na legal na basehan upang magdeklara ng giyera ang US at mga kaalyado nito laban sa Iraq.

“They forced their way to Iraq and killed Saddam. Look at Iraq now. Look at what happened to Libya. Look at what happened to Syria. Nauubos tao doon, binobomba ng gasolina because they were pushed to the wall for the failed promises,” giit ni Duterte. (Elena Aben)