Fille at Direk Lino copy

MASAYANG nagkuwento si Direk Lino Cayetano na magsisilang na ng kanilang pangalawang anak ang kanyang asawang si Ms. Fille Cainglet-Cayetano sa susunod na buwan. Lalaki ang kanilang panganay at babae naman ang kanilang magiging bunso, kaya quota na raw sila.

Maraming ginulat si Direk Lino nang magpakasal sila ng sikat na volleyball player na si Fille noong 2013 dahil nga magkaiba ang mundo nila. Inakala ng lahat na taga-showbiz ang mapapangasawa ni Direk Lino dahil pawang artista ang naging karelasyon niya noon.

Twelve years younger sa kanya ang misis ni Direk Lino at sa mundo raw nito sa volleyball ay maraming natutuhan ang isa sa dalawang direktor ng Super D.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

“Ibang mundo at marami akong nakikita, natutunan na hindi ko rin nakikita sa mundo ko. Marami akong naging friends na friends niya, barkada niya, ‘yung buong mundo ng volleyball, as you know ABS-CBN is now carrying volleyball, so I think, next big thing is volleyball. It’ss getting bigger kasi kino-cover na rin ang volleyball, professional volleyball.

“After she gives birth in August, pinaplano na niya ang pagbabalik sa mundo ng volleyball,” masayang kuwento ni Direk Lino.

No dull moments sa taping ng Super D sina Direk Lino at Direk Frasco Mortiz dahil pinag-uusapan nila ang kani-kanilang anak.

“Masarap ang kuwentuhan namin sa set kasi si Direk Frasco is a very hands-on dad, so ‘yung mga kids niya is a little older than my kid, so parati kaming nag-uusap, nagsi-share ng advise being a dad, being a husband, so ang ganda at ang sarap ng environment.

“For me, iba ‘yung work ko before as a single director, iba ‘yung ngayon na tatay ka na. Like dati, hindi ko iniisip ang insurance, sabi ko, bakit ko kailangan ng insurance? Ngayon iniisip ko lagi, naku, paano ‘pag nawala ako, ‘pag namatay ako, paano na ang (family), anything can happen, di ba, and I think, ‘yan ‘yung journey ng character natin as superhero na may pamilya, di ba?” nakangiting kuwento ng direktor.

Relate din sila sa Super D dahil, “Isa siyang tatay, that’s the unique about the story. Kaya walang pamilya ang superhero kasi kailangan no string-attached kasi maski sino gusto niyang tulungan. Kaya nga kapag may minahal ang superhero, ‘yun ang tina-target like si Lois Lane (girlfriend ni Superman).

“Ano pa kung mayroon kang ties like a family, so I think Super D will live on, ‘yung creation ng Dreamscape, ng ABS. Ang dami pang puwedeng kuning kuwento.”

May posibilidad nga bang magkaroon ng sequel ang Super D kaya magiging open-ended ito?

“Puwede kasi maski snippets, pocket like Flying House, Super Pooh, I think papunta tayo ro’n, even sa society, di ba, noong summer panahon ng election, nag-uusap kung ano ang moral obligation ng gobyerno sa bata, kailangan ba ang lider mo moral? Ang daming debate.

“I think papunta tayo ro’n sa government has to take care of what he has to take of, peace and order, create jobs, and we will demand our families who will play active roles. So tingin ko mas maganda ‘yung ganu’n,” paliwanag ni Direk Lino.

Samantala, wala pang idea para sa kanyang next project si Direk Lino pagkatapos ng Super D ngayong papasok na linggo, pero gusto niyang makatrabaho ulit ang mga artista sa younger generation.

Natuwa si Direk Lino nang banggitin ni Bossing DMB na ang Starstruck na una niyang nahawakang reality show ang pinanggalingan ng sumikat na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Cristine Reyes, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Sheena Halili, Nadine Samonte, Dion Ignacio, at iba pa. (REGGEE BONOAN)