SANTIAGO, Ilocos Sur – Agad na nasawi ang isang barangay chairman habang dalawa naman ang nasugatan sa ligaw na bala makaraang pagbabarilin ang opisyal sa loob ng sabungan sa Barangay Sabangan, Santiago, Ilocos Sur.

Kinilala ni Chief Insp. Greg Guerrero, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang nasawi na si Edson Locquiao, chairman ng Bgy. Mambug, Santiago, at umano’y leader ng Locquiao criminal gang.

Sugatan naman sina Andres Igido, ng Bgy. Busel- Busel, Santiago; at Alfred Pineda, 17, tinder ng kalamay, at residente ng Bgy. Bulbulala, Santiago, Ilocos Sur.

Sinabi ni Guerrero na nangyari ang pamamaril dakong 11:57 ng umaga, nakaupo si Locquiao sa loob ng sabungan nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Matindi ang tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni ni Locquiao, na agad niyang ikinamatay.

Pinaniniwalaan namang ligaw na bala ang sanhi ng pagkakasugat nina Igido at Pineda, na agad na dinala sa ospital.

Sinabi ni Guerrero na nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, at ang motibo sa pamamaslang. (FREDDIE G. LAZARO)