BASE sa isinulat ni Samuel Florman, isang ethics theorist, “Most evil acts are committed not by villains but rather by decent human beings--in desperation, momentary weakness, or an inability to discern what is morally right or wrong amid the discordant claims of circumstances.”
Ang “moral” na pamantayan ay pagiging praktikal. “As long as it serves your purpose even if it’s illegal, do it,” ayon sa isang tagasuporta.
Ang pagsisiwalat ng walang kinatatakutang Pangulong Rodrigo Duterte sa limang PNP general na inakusahan niyang protektor ng mga drug lords ay isang magandang halimbawa. Kinakailangang may sapat na dokumento, ebidensiya at saksi upang isuplong ang limang heneral sa harap ng buong bansa.
“Hangga’t hindi ka nahuhuli, gawin mo” sabi nga ng ilan.
Ngunit kung gagawin ito ng lahat, magkakagulo ang ating bansa. Mayaman man o mahirap ay magnanakaw o mandurukot.
Sanhi ng pagiging gahaman, sasamantalahin ng mga may kapangyarihan na abusuhin ang yaman ng bansa. Mas yayaman pa ang mayayaman at makapangyarihan, at mas hihirap pa ang mahihirap.
Siyempre pa, may mga civil at moral law upang maiwasan ito. Gayunman, ang pagiging gahaman at iba pang klase ng kasamaan na namumuo sa puso at isip ng tao ay masyadong mapanukso.
Sabin ng Panginoon: “It’s not the things that come from outside that make a man unclean… From a man’s heart come the evil desires which lead him to rob, kill, commit adultery and do all sorts of evil things” (Mk 7.20).
Kaya, mahalagang labanan at talikuran ang tukso sa mga materyal na bagay o kapangyarihan. (Fr. Bel San Luis, SVD)