KALIBO, Aklan - Pinamumunuan ng Municipal Engineering Office ng Kalibo ang imbestigasyon sa pagkasira ng scaffolding sa konstruksiyon ng isang tatlong palapag na gusali na ikinasugat ng limang katao, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Municipal Engineer Emerson Lachica, limang karpintero ang nasugatan sa aksidente at nagpapagaling na ang mga ito sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Posible umanong managot ang contractor ng proyekto dahil gawa sa recycled na kahoy ng niyog ang nasirang scaffolding sa konstruksiyon na nasa loob ng Kalibo Integrated Special Education Center, ayon kay Lachica. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente