CABANATUAN CITY - Umabot na sa kabuuang 94 na aminadong sangkot sa droga ang sumuko sa apat na bayan ng Nueva Ecija, iniulat ng pulisya.

Ayon kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, sumuko sa iba’t ibang himpilan ng pulisya nitong Hulyo 1-8 ang 94 na tulak at adik: 50 mula sa Gapan City, 17 sa San Isidro, 10 sa Carranglan, at 17 sa Talavera.

Nagsilagda sa “pledge of commitments” ang nagsisuko, ayon kay Cornel. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito