Walo pang hinihinalang drug pusher ang napatay matapos makipagbarilan sa pulisya sa inilunsad na anti-drug operations sa Matalam, Cotabato, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Supt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng Central Mindanao Regional Police Office, na sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang isang lugar sa Matalam na roon naglipana ang mga drug pusher at user na sangkot din sa iba pang krimen, tulad ng carnapping at robbery.

Armado ng search warrant, sinalakay ng pulisya ang Sitio Quiapo sa Barangay Poblacion dakong 2:30 ng umaga at natiyempuhan ang mga suspek habang nasa loob ng isang drug den.

“Nagkaroon ng palitan ng putok dahil pinaputukan ng mga suspek ang raiding team,” pahayag ni Galgo.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Kinilala ang mga napatay na sina Tainko Mamakan, Bolao Palti, Haron Mamakan, Abudzaid Runas, Tahir Salipudin, Mustapa Tausi, Mangapan Mama Musa at ang nag-iisang babae sa grupo na si Jobain Lumantag.

Dead on arrival si Lumantag sa Cotabato Provincial Hospital.

Naaaresto naman sa operasyon ang isang “Aratok Balabagan”, na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). (Aaron Recuenco)