tenorio copy

Hindi man napabilang sa Gilas Pilipinas na nagtangkang makasikwat ng Olympic slot sa isinasagawang FIBA Olympic Qualifying Tournament, napasaya ni Ginebra star point guard LA Tenorio ang mga kabataan na nakilahok sa TM “Basketball Para sa Bayan”.

Pinangasiwaan ni Tenorio ang naturang programa na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan, higit ang mga mahihirap at out-of-school youth na matuto at maibahagi ang kanilang talento.

Ang programa na itinataguyod ng Globe Telecom ay kinapapalooban ng libreng basketball clinics at 3-on-3 tournament para sa mga kabataan na nasa edad 9-14 (babae at lalaki). Isinasagawa rin ang programa bilang bahagi ng pagbuo ng koponan na isasabak sa NBA 3X 2016 sa Manila, sa Agosto.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Matapos ang unang sultada sa Cavite, nakatakdang isagawa ang programa sa Bulacan, Isabela, Cebu, at Davao.

Ayon kay Globe Director for Citizenship Fernando Esguerra, kapuri-puri ang sakripisyo ni Tenorio na nagpapatunay lamang ng kanyang tunay na damdamin sa sports.

“We witnessed LA’s big heart for coaching when we invited him to conduct the first TM Basketball Para Sa Bayan free basketball clinic in Cavite last May. With his help in this program, we hope to further promote grassroots sports development in the country, hone the basketball skills of underprivileged youth as well as impart to them the value of sportsmanship,” pahayag ni Esguerra.

Iginiit naman ni Tenorio na isang karangalan na maging bahagi ng isang programa na nagpapamalas ng malasakit sa kabataang Pinoy.

“I guess everything happens for a reason. I am really grateful for being given an opportunity by Globe to impart my knowledge and skills to the future basketball stars that may one day represent the flag in international competition,” sambit ni Tenorio.