Nakatakdang talakayin ng mga obispo ang mga isyung panlipunan at pulitikal na kinakaharap ng bansa sa kanilang plenary assembly ngayong linggo.

Ayon kay Father Marvin Mejia, secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang tatlong araw na assembly ay idaraos sa Pope Pius XII sa United Nations (UN) Avenue sa Paco, Manila simula ngayong Sabado(Hulyo 9) hanggang sa Lunes (Hulyo 11). “There will be discussions about World Congress on Mercy but definitely the bishops will also discuss the current socio-political landscape,” aniya.

Mayroong 90 aktibo at 38 retiradong miyembro ang CBCP na inaasahang dadalo sa plenaryo, na pamumunuan ni CBCP president Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at pormal na bubuksan ni Papal Nuncio Archbishop Giuseppe Pinto.

Kabilang sa mga isyung ikinaaalarma ng Simbahan ang dumaraming bilang ng mga napapatay na pinaghinihinalang drug pusher at ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang parusang bitay. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'