Walang tulak-kabigin sa katatagan at kahusayan ang Dewey Boulevard at Radioactive na sentro ng atensiyon sa pagratsada ng ikatlo at huling leg ng pamosong Triple Crown ng Philracom bukas, sa Manila Jockey Club ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Naungusan ng Radioactive ang noo’y liyamadong Dewey Boulevard, pambato ni Hermie Esguerra, sa unang leg ng Triple Crown Series, ngunit nabigo ang una na makahirit sa ikalawang leg nang manguna ang Dewey Boulevard.

Sa pagratsada ng ikatlong leg ng karera para sa three-year-old thoroughbred, asahan ang hagupit at makapigil-hiningang labanan sa pagitan ng dalawang pamosong kabayo.

Ngunit, handang maging paningit ang Underwood, Homonhon Island at 1st Leg Hopeful Stakes Race winner Guatemala sa karera na may distansiyang 2,000 metro ay may nakatayang P1.8 miyon mula sa kabuuang premyong P3 milyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Third fight nila ito kaya expect a thrilling race,” sambit ni Philracom commissioner Atty. Dondon Bagatsing.

“Siyempre hindi rin naman natin puwedeng ipagkaila ‘yung tatlo pang kasali.”

Ang Triple Crown ang sukatan ng lakas at tibay ng mga island born thoroughbred.

Nasa pangangasiwa ng SC Stockfarm ang Radioactive, habang ang Underwood ay pagmamay-ari ng Stony Road Horse Farm.

Itinataguyod ni Engr. Jun Sevilla ang Guatemala at alaga ni Wilbert Tan ang Homonhon.

“We expect another exciting day at the racetrack,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

“When you have the best runners of the season bunched together in a major race setting such as the Triple Crown, you can anticipate a good show for all Filipino racing fans.”