BEIRUT (AFP) - Mahigit 60 sibilyan ang pinatay sa pamamagitan ng pambobomba at air strike sa hilagang kanluran ng Syria, ayon sa monitoring group, ilang oras bago ang pagtatapos ng ceasefire para sa Eid al-Fitr holiday.

Tatlumpu’t apat na sibilyan, kabilang ang apat na bata, ang napatay at 200 iba pa ang sugatan sa pagpapaputok ng mga rebelde sa regime-held areas, ayon sa Syrian Observatory for Human Rights.

Samantala, nagbigay naman ang state news agency na SANA ng mas mababang bilang ng patay; 23, at 140 naman ang sugatan.

Nahati ang Aleppo—ang pre-war commercial capital—sa pagitan ng pro-regime west at rebel-held east simula noong kalagitnaan ng 2012.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM