Ipinag-utos kahapon ng Malacañang ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, epektibo dakong 1:00 ng hapon kahapon, dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ito ay base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bunsod ng pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila, na dulot ng ulan na dala ng bagyong “Butchoy.”

“Agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness and response to disasters and calamities, and/or performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” saad sa Memorandum Circular No. 02 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Samantala, hinayaan ng Malacañang sa pangasiwaan ng mga paaralan at pribadong kumpanya sa Metro Manila ang pagsususpinde ng mga ito ng klase at trabaho kahapon. (Elena L. Aben)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente