Binabalak ni Education Secretary Leonor Briones na gayahin ang jungle university noong World War II para maitaguyod ang Alternative Learning System (ALS) sa bansa.

“ALS has not invented then but my own experience showed that one can get educated without formal schooling,” wika niya.

Binanggit ng kalihim na nang sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas, nagtayo ang mga Amerikano ng paaralan sa kabundukan na tinaguriang mga “jungle university” at dito nagpatuloy ang pagtuturo ng mga guro. Kabilang ang kanyang ina sa mga nagturo ng pagbabasa at pagsusulat gamit ang dahon ng saging at pinatulis na kawayan bilang lapis. “My mother, who was a teacher, did not let the horrors of war deter her from teaching,” pag-alaala ni Briones.

Ang ALS ay isang uri ng edukasyon sa non-formal setting gaya ng covered court, barangay hall, bakuran ng simbahan o anumang common area sa isang komunidad, na bukas sa lahat ng nais matuto.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Ang mga magtatapos sa ALS ay sasailalim sa Accreditation and Equivalency (A&E) Test at kapag nakapasa ay bibigyan ng sertipiko para makapagpatuloy ng pag-aaral sa elementarya at high school tungo sa pagkokolehiyo. (Mac Cabreros)