DANIEL copy

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Direk Frasco Mortiz sa Dreamscape Entertainment na sa kanila ni Direk Lino Cayetano ipinagkatiwala ang Super D na pinagbibidahan nina Dominic Ochoa at Marco Masa.

“Ito ‘yung unang teleserye ko after Eva Fonda after seven years,” kuwento ni Direk Frasco nang dalawin namin ang last taping day ng Super D sa Malabon, “so coming from comedy doing movies to MMK (Maalaala Mo Kaya), ito ‘yung offer sa akin ng Dreamscape kasi feeling nila, bagay sa akin ‘yung show kasi may kalokohan, superhero, saka mahilig din ako sa superhero talaga.

“So, thankful ako kasi hindi kami nag-hand-to-mouth, medyo nagkakahabulan lang sa graphics, pero at least hindi kami nangarag talaga sa shoot. Natupad ‘yung pangarap naming happy set, walang masyadong naging problema at ‘yung cast walang naging problema kahit na may mga schedules silang out of the country and everything. They find time talaga na matapos ang show na buo silang lahat.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Maganda ang naging hatian nina Direk Frasco at Direk Lino sa pagdidirek sa fantaserye.

“Pinaylot ko lang ng two weeks ‘tapos no’ng puwede nang magsabay ‘yung unit, nagsabay na kami. From the start, tandem na talaga kami ni Direk Lino, pagbuo pa lang ng show, sa script pa lang.

“Dream come true talaga namin ni Direk Lino na magsama, dapat sa Eva Fonda pa lang magkasama na kami, ‘kaso ‘yung time na ‘yun papunta siya ng New York kaya hindi kami natuloy sa project. Kaya itong Super D, ‘uy natuloy din, nagka-show din tayo together!’ Halos magkasing batch kasi kami kaya nakakatuwa.”

Pang-summer lang pala talaga ang Super D, itinayming sa bakasyon ng mga bata, kaya hindi ito in-extend.

“Sumobra nga lang kami sa summer, sabi nga naman, ‘sana habang bakasyon, ito ‘yung pampamilya, pambata na teleserye, sakto pa kasi election time, so ‘yung mensahe nu’ng show, ‘yung time na paano maging bayani, paano pumili ng bayani para sa atin,” kuwento ni Direk Frasco.

Natawang siya nang maalalang nagkaisyu pa sa Super D dahil Duterte raw ang ibig sabihin ng letrang D.

“Kaya maingat na maingat kami no’ng una na, ops, ‘wag parang election ‘yung promo. Kaya thankful kami kasi sakto siya nu’ng summer at maraming nakapanood na bata at mga taong natuwa sa show.”

Open-ended ang Super D at aminado si Direk Frasco na marami pa ang puwedeng gawin kung halimbawang in-extend ang show. Kaya bagamat magwawakas na sila next week, puwede pa ring ituloy ang Super D na bata o tinedyer naman ang bida.

“Iba naman ang magiging market kapag teenager kasi awkward stage na hindi alam kung paano gamitin ‘yung powers niya, pero dyina-juggle niya ‘yung life niya as teenager or high school student. Maraming puwedeng puntahan (ang kuwento).”

May nagbanggit kay Daniel Padilla na bagay sa teenager na Super D.

“Oo nga, ‘no? Kung papayag si DJ… superhero. Kasi nu’ng una pinu-push ko siyang Lastikman, hindi ko lang alam kung gusto niya.”

Samantala, nadulas si Direk Frasco na si Angel Locsin pa rin talaga ang gaganap bilang Darna at hinihintay lang daw itong gumaling.

“Lahat kasi ng Mars Ravelo superhero nabili ng ABS, so kung matutuloy ‘yung Darna ni Angel, ‘tapos Lastikman ni DJ, di ba? Kaya nga pinu-push namin sa Star Cinema na matuloy na ‘yung Darna ni Angel,” kaswal na kuwento ng direktor.

Nag-follow-up kami ng tanong kung kailan at si Angel na pala talaga ang gagawa kaya nagkatawanan na kinumpirma na ni Direk Frasco ang isyu.

“Hindi ko po alam, kasi kilala ko lang po ‘yung mga involved kasi mga kaibigan ko sila and they’re waiting for Angel talaga kasi ‘yung injury niya sa back, she’s still want to do it talaga, so they’re waiting for Angel.

“’Yun lang ang problema kasi nangako sila (Star Cinema) ng 2016, so hindi ko alam kung ano’ng mangyayari,” sey ng direktor.

May iba pa bang nakahandang maging Darna kung sakaling hindi pumuwede si Angel?

“May options yata sila, siyempre paano kung hindi gumaling ‘yung likod, or baka ipasa puwede. Kasi ang worry ng ABS, eh, ‘yung rights ng Ravelo characters, kasi may limit din ‘yan, hindi naman puwedeng binili na nila and ilang certain of years na nila hawak, they have to complete the movie universe within the time frame na nila hawak, so kung baga dalawang taon na nila hawak.

“Naaalala ko, sinusulat ko pa ‘yung Pagpag (2013), sinusulat na nila (ang Darna), ‘tapos ni-revise na, hanggang ngayon, ‘tapos naglabas pa sila ng teaser last year.”

Gong back to Super D, matinding bakbakan nina Dominic at Marvin Agustin ang aabangan at kung ano ang kahihinatnan ng pagkakaibigan nila sa finale next week. (REGGEE BONOAN)