Iniulat kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na siyam na kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo ang namatay sa bakbakan ng dalawang panig sa Barangay Kabuntakas sa Patikul, Sulu.

Sinabi sa report ni Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), na nasa anim na sundalo at 13 naman sa panig ng Abu Sayyaf ang nasugatan sa nasabing engkuwentro.

Ayon kay Tan, dakong 3:00 ng hapon at nagsasagawa ng focused military operations ang tropa ng 45th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) sa lugar nang makasagupa nila ang nasa 130 bandido, na pinangunahan ni ASG Commander Radulan Sahiron.

Sinabi ni Tan na ang operayon ay bahagi pa rin ng pagsisikap na iligtas ang mga nalalabing bihag ng Abu Sayyaf, na kinabibilangan ng siyam na dayuhan at tatlong Pinoy.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ng militar na nagbanta si Sahiron na pupugutan din ang nalalabi sa mga dinukot nila sa Samal Island noong Setyembre 2015, ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstand, kung hindi maibibigay ang hinihingi nilang ransom.

Una nang pinugutan ng Abu Sayyaf ang dalawang Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall, habang pinalaya naman noong nakaraang buwan si Marites Flor. (FER TABOY)