Nawalan ng tirahan ang 80 pamilya makaraang lamunin ng apoy ang 20 bahay sa sunog sa isang barangay sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Parañaque City Fire Department Fire Marshall Chief Insp. Renato Capuz, dakong 6:43 ng umaga nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Toto Gaston sa No. 8410 Gomburza Extension, Barangay Santo Niño.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa kahoy. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito naapula dakong 8:18 ng umaga kahapon.

Sinabi ni Capuz na malaking tulong ang malakas na ulan na dulot ng habagat upang maapula ang sunog sa lugar, at mas napadali rin ang pagresponde ng mga bombero.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang inaalam pa ang sanhi ng sunog, maging ang kabuuang pinsala sa ari-arian sa lugar.

Samantala, agad namang nagpaabot ng ayuda si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa mga nasunugan na pansamantalang nanunuluyan sa isang barangay hall at kalapit na covered court. (Bella Gamotea)